Header AD

Mga Benepisyo Sa Pagkain Ng Kamote (Sweet Potato)


Ang kamote o sweet potato ay isang kilalang bungang-ugat na madalas kinakain ng maraming mga Pilipino. Tinatanim at inaani ang kamote sa maraming lugar sa mundo partikular sa maiinit na rehiyon kagaya ng Pilipinas.

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kamote ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa ating mga kalusugan.

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman ng kamote tulad ng dahon at bungang-ugat nito.

Madali rin itong iprepara. Pwede itong pakuluan, ihawin o kaya ay ihalo sa ulam. Ito ang ilan sa mga sikat na benepisyo ng pagkain ng kamote.

Ang Mga Benepisyo Sa Pagkain Ng Kamote

1. Mayaman ang kamote sa iron na kailangan para sa malusog na red blood cells.

2. May taglay na beta carotene ang kamote na nakakatulong sa ating immune system.

3. May taglay na vitamin A ang kamote na kailangan para sa balat, mata at immune system.

4. May taglay na vitamin C ang kamote na nakakatulong mapalakas ang resistensya.

5. Mainam ang pagkain ng kamote para sa pagkontrol ng blood sugar dahil mababa ang glycemic index at hindi biglaang nakakapagpataas ng blood sugar.

6. May taglay na calcium ang kamote na pampalakas ng buto.

7. Mayaman sa fiber ang kamote na nakakatulong para sa pagtunaw ng pagkain at mababa din sa calories.

8. Mayaman sa potassium ang kamote na nakakatulong magpababa ng blood pressure.

Iba’t Ibang Sakit At Kondisyon Na Maaaring Magamot Ng Kamote

1. Diabetes

Ang pagkain sa dahon o talbos ng kamote ay mabisa para matulungan ang paggaling ng sakit na diabetes.

2. Dengue

Nakatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kamote para mapanumbalik ang nasirang mga platelets dahil sa sakit na dengue.

3. Pigsa

Mabisang panglunas sa pigsa ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng kamote.

4. Sugat

Ang pagtatapal ng balat ng kamote ay malaking tulong sa mabilis na paghilom ng mga sugat.

5. Pagtatae

Karaniwang kinakain ang bungang-ugat ng kamote para sa may mga sakit na diarrhea.
Mga Benepisyo Sa Pagkain Ng Kamote (Sweet Potato) Mga Benepisyo Sa Pagkain Ng Kamote (Sweet Potato) Reviewed by Yen The Explorer on September 25, 2018 Rating: 5

No comments

Post AD