Header AD

Mga Unang Senyales At Sintomas Ng Pagbubuntis


Iniisip mo ba na baka ikaw ay buntis? Kahit isa o dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan, may mga palatandaan ka nang makikita kung ikaw ay talagang nagdadalang tao.

Kung ang isang babae ay nagdududa na siya ay maaaring buntis o nagdadalang-tao, ang pinakamadaling paraan upang ito ay makumpirma ay ang paggamit ng pregnancy test.

Ngunit bago pa man makumpirma ng pregnancy test ang pagbubuntis ng isang babae, huwag kaligtaan na mayroon ding mga paunang senyales na mararanasan ang mga kababaihan sa kanilang pagbubuntis.

Kung bibigyan ng pansin lamang ang mga mahahalagang senyales na ito, maaaring agad nang matiyak ang pagbubuntis.

Mga Unang Senyales At Sintomas Ng Pagbubuntis Ng Babae

1. Paglambot at Pananakit ng Suso

Isa sa mga pangunahing senyales ng pagbubuntis na mararanasan ng isang babae ay ang kakaibang pakiramdam sa kanyang suso. Ang suso ay parang mas lumalambot, lumalaki at sumasakit. May pakiramdam din na parang mas siksik ang mga suso, at ang mga utong ay lumalaki din at mas umiitim.

2. Pagsusuka

Ang pagsusuka, bagaman mas madalas sa huling tatlong buwan ng pagbubuntis ng isang babae, ay maaari ding maranasan sa mga unang buwan ng pagdadalang-tao. Upang maiwasan ang pagsusuka, kinakailangan ang madalas na pag-inom ng tubig, at madalas ngunit kakaunting pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina.

3. Madalas na Pag-ihi

Sa pagbubuntis ng isang babae ay mas lalong tumataas ang produksyon ng ihi. Bukod pa rito, madalas ding maipit ang pantog ng mas malaking matres ng isang buntis. Dahil sa mga ito, hindi hamak na mas madalas ang pag-ihi na nararanasan ng mga nagdadalang-tao.

4. Spotting

Maaari makaranas ng spotting o patak-patak na dugo sa pagbubuntis, pero ito ay normal lamang. Ang unang pagkakataon ay maaaring maranasan din ng isang buntis kapag kumapit ang itlog ng babae sa matres.

5. Madaling Pagkapagod

Dahil sa mataas na lebel ng progesterone sa katawan, mas madaling napapagod ang nagbubuntis na babae. Madalas niyang naisin ang pagtulog nang mahabang oras.

6. Madalas na Pagkahilo

Ang madalas na pagkahilo ng nagbubuntis na babae ay maaaring konektado sa hormones o kaya sa mababang presyon ng dugo na madalas maranasan ng nagdadalang-tao. Dapat pa ring ipahinga ang ganitong kondisyon at ikunsulta agad sa doktor kung napapadalas ang pagkahilo.

7. Pagiging Sensitibo sa mga Pagkain

Sa pagbubuntis, mas nagiging matalas ang pang-amoy ng mga babae, kaya naman nagiging sensitibo sila sa mga pagkain. Bukod pa rito, maaaring magbago din ang panlasa ng isang buntis. Ito ang dahilan kaya nagiging mapili sa pagkain ang mga nagdadalang-tao.

8. Madaling Pagkainis

Ang babaeng nagdadalang-tao ay madali ring mainis kahit sa mga simpleng bagay lang. Maging ang emosyon ng isang babae ay apektado pa rin ng mga hormones sa katawan dulot ng kanyang pagbubuntis.

9. Pananakit ng Puson

Ang pananakit ng puson o cramps ay maaaring maramdaman sa unang 2 linggo ng pagbubuntis dahil ito sa pagkapit ng na-fertilize na itlog ng babae sa kanyang matres.

10. Hindi Dinatnan

Ang hindi pagdating ng buwanang dalaw o regla sa isang babae ay isang malaking senyales ng pagbubuntis. Kadalasan, ito ang pinakaunang napapansin at dahilan upang suriin ang sarili gamit ang pregnancy test. Ang paglaki ng bata sa sinapupunan ng isang babae ang dahilan kung bakit natitigil ang pagreregla sa loob ng siyam na buwan.

Source: Kalusugan
Mga Unang Senyales At Sintomas Ng Pagbubuntis Mga Unang Senyales At Sintomas Ng Pagbubuntis Reviewed by Yen The Explorer on September 25, 2018 Rating: 5

No comments

Post AD